??? ??????? ?? ?????? ?? ????? ?? ???, ??????????? ?? ?????? ???? ?? ???โ€™? ????? ???? ????? ?????? ?? ?????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpadala ng karagdagang tulong mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang field office ng Region X, XII, Caraga, Visayas Disaster Resource Center (VDRC), at National Resource and Logistics Management Bureau (NRLMB) para sa mga biktima ng sunod-sunod na lindol sa probinsiya ng Davao de Oro.

Kabilang sa mga ipinadalang tulong ay ang Family Food Packs (FFPs) at mga Non-Food Relief Items (NFIs) para maipamahagi sa mga pamilyang apektado ng lindol sa Davao de Oro.

Base naman sa tala ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Center, nasa mahigit 13K na indidbidwal ang apektado ng lindol sa Davao de Oro.

Hanggang sa kasalukuyan ay nananatili pa rin ang mga ito sa mga evacuation center dahil sa patuloy na mga pagyanig sa lugar.

Sa pinakahuling update na inilabas ng Regional Risk-Reduction Management Council (RDRRMC) kahapon Marso 11, umabot na sa kabuoang 1,408 ang naitalang pagyanig kung saan pinakamalakas ang magnitude 5.9 na naganap noong Martes ng hapon Marso 7, 2023. | ulat ni Macel Mamon Dasalla | RP1 Davao

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us