Tiniyak ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos, na madadagdagan pa ang mga kasong kanilang isasampa laban sa mga nasa likod ng madugong pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.
Inihayag ito ni Abalos sa pulong balitaan matapos ang pagpupulong ng Regional Peace and Order Council-National Capital Region (NCR) sa tanggapan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Pasig City, ngayong araw.
Ayon kay Abalos, nasa 17 kaso na ang kanilang naisampa at mayroon pang 13 kaso na kanilang ihahain sa mga susunod na araw.
Sa kasalukuyan, nakapaghain na sila ng walong kaso ng murder, 16 na kaso ng frustrated murder, isang kaso ng paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Law, at dalawang kaso ng paglabag sa Republic Act 9516 o Illegal Possession of Explosives.
Kabilang naman sa mga nasampahan ang unang apat na naarestong suspek kasunod ng ikinasang follow up operations gayundin sa iba pang tinatawag na John Does. | ulat ni Jaymark Dagala