Sa Katarungan, Muntinlupa tinirador ang windshield ng jeep.
Sa Malabon at Novaliches butas ang gulong ng jeep matapos hagisan ng pako.
Habang sa Alabang terminal, Muntinlupa may grupong Piston na nanghaharang ng jeep.
Sa Quezon City, Project 2 at 3, maraming pinakalat na pako.
Agad nag-deploy ng pulis ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga nabanggit na lugar para tugunan ang sumbong at magsagawa ng imbestigasyon. | ulat ni Don King Zarate