Nakapagtala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng nasa 12,370 na motorsiklo at pribadong sasakyan na lumabag sa motorcycle lane dry run sa Commonwealth Avenue sa Lungsod Quezon.
Ayon sa MMDA ang naturang bilang ay mula pa noong March 9 hangang nitong Sabado March 18, kung saan noong March 14 ang araw na may pinakamaraming lumabag sa naturang dry run.
Kaugnay nito sinuspinde muna ng MMDA ang naturang full implementation ng motorcycle lane dry run ngayong araw Marso 20, at muling ipapatupad sa Linggo March 26 upang bigyang daan ang pagsasaayos ng aspalto sa mismong naturang motorcycle lane na isasagawa ng Department of Public Works and Highways sa kahabaan ng Commonwealth Avenue.
Samantala, aabot sa Php500 ang multa sa paglabag sa designated motorcycle lane kapag nag-umpisa na ang full implementation nito. | ulat ni AJ Ignacio