Magbibigay ng libreng sakay ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa mga pasaherong posibleng maistranded sa isasagawang malawakang transport strike simula sa Lunes.
Ayon kay NCRPO Chief Police Major General Edgar Allan Okubo na inatasan na niya ang mga police districts ng NCRPO kabilang ang Regional Mobile Force Batallion na i-deploy ang kanilang logistical assets para maghatid ng libreng sakay sa mga pangunahing kalsada sa buong Metro Manila.
Dagdag pa ni Okubo na magpapakalat din ito ng nasa mahigit 4,000 pulis sa buong National Captial Region upang magbantay sa mga sakayan at mga possible areas of convergence upang masigurong maproteksyunan ang mga pasahero at mga driver na papasada pa rin sa kabila ng transport strike.
Mag-uumpisa ang libreng sakay ng NCRPO bukas ng ala-1:00 ng madaling araw. | ulat ni AJ Ignacio