Inatasan na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na bilisan ang oil spill clean-up sa mga lugar na apektado sa Oriental Mindoro.
Kasunod pa rin ito ng paglubog ng MT Princess Empress sa karagatang sakop ng Naujan sa Oriental Mindoro, ika-28 ng Pebrero.
Sa pulong sa pagitan ng pangulo at ni DENR Secretary Antonia Loyzaga, sinabi ng kalihim na makikipagtulungan na sila sa US Embassy upang pag-aralan ang posibilidad ng pagdi-deploy ng mga partisipante ng joint military drills sa lugar, bilang bahagi ng clean up efforts, at pagpapaliit ng impact ng oil spill.
Ayon sa kalihim, una na ring nagpahayag ang Japan at South Korea ng kahandaang tumulong sa pagtuton sa oil spill.
Habang nakikipag-ugnayan na rin aniya sila sa LGU, vessel owner, at DSWD bilang potensyal na karagdagang pagkukuhanan ng pondo ng cash for work program para sa mga apektadong residente.
“Loyzaga, meanwhile, noted that around PHP60 million has been set aside for the cash-for-work program of the Department of Labor and Employment (DOLE) called Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD),” ani Secretary Garafil. I via Kath Forbes