Ipinagmalaki ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Rodolfo Azurin Jr. na โsolvedโ na ang kaso ng pamamaril, noong Pebrero 17, kay Lanao Del Sur Governor Mamintal Adiong.
Ito ay matapos na maaresto nitong nakaraang Biyernes ang tatlong uspek sa Bukidnon, at naunang pagsasampa ng kaso laban sa tatlong suspek at ilang john doe.
Ayon sa PNP Chief, ang mga arestadong suspek na sina Palawan Salem Macalbo, Nagak Dimatamgkil Baratomo, at Amirodin Dimatingkal Mandoc ay mga miyembro ng notorious na Gandawali Group, na sangkot sa ilegal na droga, robbery, at gun-running sa Lanao del Sur at Bukidnon.
Base aniya sa resulta ng imbestigasyon, nagtago ang tatlo sa Lumad community sa Kalilangan matapos na isakatuparan ang krimen.
Samantala, nagpahayag ng kasiyahan si Gen. Azurin sa naging mabilis na aksyon ng mga pulis sa sunod-sunod na high-profile cases kamakailan.
Kabilang pa sa mga mabilis na naresolbang high profile cases ang pamamaslang sa New Zealander na si Nicholas Peter Stacey, at pamamaril kay San Carlos Barangay Captain Vivencio Palo ng Lipa City. | ulat ni Leo Sarne