Malaki ang pasasalamat ni TUCP Party-list Representative at Deputy Speaker Raymond Democrito Mendoza, sa pagtugon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mailapit sa mga manggagawa ang abot kayang bilihin.
Kasunod ito ng paglulunsad ng βKadiwa ng Pangulo para sa Manggagawang Pilipinoβ sa TUCP labor center na dinaluhan mismo ng presidente.
Ayon kay Mendoza, patunay ito na bukas at nakikinig si Pangulong Marcos Jr. sa panawagan ng mga manggagawa.
Una na aniya nilang hiniling ang pagkakaroon ng mas maraming Department of Trade and Industry (DTI) Diskwento Caravan at Kadiwa stores, upang matugunan ang epekto ng inflation o mataas na presyo ng bilihin.
βBy eliminating many layers and intermediaries, including those unscrupulous smugglers, traders, and cartels who we feel must be prosecuted, the βKadiwa para sa Manggagawaβ empowers farmers and MSMEs to sell their affordable high-quality produce directly to ordinary Filipino consumers, especially para sa Manggagawang Pilipino!β ani Mendoza.
Maliban sa TUCP labor center dito sa Maynila ay magkakaroon na rin aniya ng Kadiwa para sa Manggagawa sa mga tanggapan ng Associated Labor Unions (ALU)-TUCP sa Cagayan de Oro, Cebu, Davao del Norte, Pangasinan, Leyte, at Bukidnon.
Umaasa naman ang party-list solon, na hindi lamang ito magiging isang whole-of-government initiative bagkus ay isang pagkilos ng buong lipunan, upang matugunan ang mataas na presyo ng bilihin, lalo na ng pagkain. | ulat ni Kathleen Forbes