Pinapurihan ni House Ways and Means Chair Joey Salceda ang hakbang ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na bumuo ng Inter-Agency Committee on Inflation and Market Outlook (IMO).
Sa paraan aniyang ito, mas mapapabilis ang koordinasyon sa pagitan ng mga ahensya ng pamahalaan para labanan ang inflation o pagtaas sa presyo ng mga bilihin at serbisyo.
βItβs part of the Inflation Reduction Powers under my proposed Bayan Bangon Muli Act which we filed in July. If the predisposition of the President is to implement the measures in that proposal piece by piece through executive action, that also works,β ani Salceda.
Ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno, pangunahing mandato ng naturang inter-agency task force ang magpresinta ng demand and supply situation sa Pangulo kada buwan.
Ito ay upang matukoy kung kinakailangan talagang mag-angkat lalo at may pagkakataong nasasabay ito sa panahon ng anihan na inaalmahan ng mga magsasaka.
Umaasa naman si Salceda, na sa pagkakabuo ng komite ay matugunan na rin ang iba pang supply issue partikular sa pagkain, feed at imported products, at fuel at indigenous energy sources.
Kabilang dito ang paglalabas ng mga kautusan para sa pagsasaayos, paghahatid ng suplay na kailangan ng mga local farmer gayundin sa kanilang produkto patungo sa pamilihan; pagsusulong ng community edible gardening programs, training para sa food storage at processing ng food surplus, at pagbuhay sa vermiculture para sa animal feed.
Pinabababan rin ni Salceda ang import tariff ng mais sa 5 percent at itaas ang kasalukuyang 150,000MT na inaangkat na refined sugar sa isang auction system.
Dapat din bilisan ayon sa mambabatas ang pag-apruba sa mga permit ng solar, wind at renewable energy projects, magsagawa ng desilting sa mga hydropower dams at taasan ang produksyon ng coal. | ulat ni Kathleen Forbes