Kumpiyansa ang National Economic and Development Authority (NEDA) na mas matutugunan pa ng pamahalaan ang epektong dulot ng inflation sa bansa sa pamamagitan ng Whole-of-Nation Approach na mga istratehiya para labanan ito.
Iyan ang inihayag ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan makaraang ikatuwa nito ang pag-apruba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagbuo ng Inter-Agency Committee on Inflation and Market Outlook
Ayon kay Balisacan, bagaman malaking hamon pa rin sa kasalukuyan ang inflation, tiwala siyang maaabot pa rin ng Pilipinas ang mabilis na pagbangon muli ng ekonomiya mula sa pandemya gayundin ang paglago nito.
Pangungunahan ng NEDA at ng Department of Finance (DOF) ang naturang komite na bubuuin naman ng iba’t ibang ahensya ng Pamahalaan
Pagtitiyak pa ni Balisacan, mabilis na babantayan ng binuong komite ang galaw ng inflation partikular na sa pagkain at enerhiya gayundin ang pagtukoy sa mga sanhi nito. | ulat ni Jaymark Dagala
?: Office of the President