??????????? ?? ???????????? ?????? ??????, ????????? ?? ?????-???? ?????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpahayag ng suporta si Agri Party-list Representative Wilbert Lee sa plano ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magtatag ng permanenteng Kadiwa stores sa buong bansa.

Ani Lee, ito rin ang dahilan kung bakit niya inihain ang House Bill 3957 o “Kadiwa Agri-Food Terminal.”

Naniniwala ang mambabatas na win-win scenario ito sa mga magsasaka at mamimili.

Maiiwasan na kasi aniya ng mga magsasaka at mangingisda na lumapit sa mga mapagsamantalang middleman habang mura namang mabibili ng publiko ang mga ani.

Apela nito sa mga kasamahang mambabatas, dinggin na ang panukala bilang suporta sa pangulo.

“Makakatulong ito para maging mas stable at mura na ang presyo ng pagkain, dahil may direct access na sa pagitan ng mga producer at mamimili. Kaya sana sa lalong madaling panahon ay mapag-usapan na ang ating panukalang batas at maipasa na,” ani Lee.

Kasabay naman nito ay hinikayat din ng kinatawan ang mga lokal na pamahalaan, na maglatag at bumuo na ng kanilang plano bilang paghahanda sa itinutulak na permanenteng Kadiwa stores ni Pangulong Marcos Jr.

“I hope that we can put this plan into action as soon as possible. This is an opportunity for the national government, Congress, and our LGUs to work together to alleviate the people’s plight Our collaboration will be key in making this work, kaya sana ngayon pa lang ay mag-usap-usap na kung paano ito maisasagawa,” ani Lee. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us