Pinaiimbestigahan ng ilang mambabatas sa Kamara ang pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.
Sa inihaing House Resolution 825 nina Misamis Occidental Representative Sancho Fernando Oaminal, Zambales Representative Jefferson Khonghun, Misamis Occidental Representative Sancho Fernando Oaminal, Sorsogon Representative Marie Bernadette Escudero, La Union Representative Francisco Paolo Ortega; at Quirino Representative Midy Cua, hinihiling sa Mababang Kapulungan na atasan ang angkop na komite para siyasatin ang ginawang pananambang sa gobernador na ikinasawi ng hindi bababa sa siyam na iba pang indibidwal.
Umaasa ang mga kinatawan na matukoy sa imbestigasyon kung ano ang motibo ng mga salarin at tuluyan na ring mahinto ang serye ng pagpatay sa mga elected officials.
Hiling din ng mga ito na magkaroon ng dagdag na seguridad mula sa Kapulisan upang matiyak ang tuloy-tuloy na serbisyo ng gobyerno at maalis ang takot ng publiko.
March 4 ng umaga nang pagbabarilin si Degamo sa loob mismo ng compound ng kanyang bahay sa gitna ng pamamahagi ng ayuda.
βWhat really happened [is] very, very scary. Hindi lang po sa loob ng bahay, they didnβt care about the collateral damageβ¦While sinasabi po ng ating PNP chief na itβs an isolated case, ilang isolated case pa yung mangyayari bago po ma-feel natin, especially parang yung nangyayari ngayon yung mga target ngayon is mga elected officials po, wala pong pinipili,β saad ni Oaminal. | ulat ni Kathleen Jean Forbes