Nagsagawa ng search and rescue mission ang Philippine Coast GuardΒ (PCG) kaugnay sa napaulat na nawawalang helicopter.
Ayon kay Rear Admiral Armard Balilo, tagapagsalita ng PCG, nakipag-ugnayan na ang Philippine Aeronautical Rescue Coordination CenterΒ (PARCC) sa PCG hinggil sa ulat na nawawala ang isang βyellow beeβ helicopter na may tail number N45VX, na may lulang apat na indibiwal, kasama na ang piloto, 1 pasyente at 2 kaanak ng pasyente.
Base sa paunang impormasyon, may sinundong pasyente ang helicopter sa bahagi ng Mangsee Island, Miyerkules ng umaga.
Nawalan ito ng signal bandang 12:10 ng tanghali habang patungo sa Brookes Point Palawan.
Ayon pa kay Balilo, isinagawa ang search and rescue sa katubigan ng Brookeβs Point, Balabac, Palawan habang ipagpapatuloy naman ang search and rescue mission sa nawawalng helicopter sa Huwebes. | ulat ni Paula Antolin