Nagdagdag ang Philippine Red Cross (PRC) ng isang pang ambulansya para sa karagdagang emergency response sa lungsod ng Malabon.
Ayon sa PRC, layon ng karagdagang emergency ambulance na magamit sa pagresponde sa ibaโt ibang sakuna o disaster na maaaring mangyari sa Malabon.
Ang naturang bagong ambulansya ay kumpleto sa kagamitan kagaya ng spine board, stretcher collapsible, oxygen tank at AED o Automated External Defibrillator.
Kaugnay nito, malugod naman itong tinanggap PRC Malabon City chapter sa pangunguna ni Board of Director Federico Ricky Sandoval, Al Supangan, Administrator Julie Legaspi,at Malabon City Mayor Jeannie Sandoval.
Ayon naman kay Malabon City Mayor Jeannie Sandoval, nagpapasalamat siya sa pamunuan ng Philippine Red Cross sa pag-agapay nito sa disaster response ng Malabon City. | ulat ni AJ Ignacio