Magsasanib pwersa ang Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagbuwag ng mga private armed groups sa bansa bilang pagtalima sa kautusan ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Itoβy kasunod ng serye ng pag-atake sa mga halal na opisyal, na isinagawa ng mga mistulang βwell trainedβ at βwell equippedβ na grupo.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief Colonel Red Maranan, ang pinaigting na kampanya laban sa private armed groups ay kanilang isasakatuparan nationwide, partikular sa mga lugar na matukoy bilang mga βhot spotsβ kung saan matindi ang away-politika.
Matatandaang inatasan ng Pangulo ang Department of Interior and Local Government (DILG) at PNP na tukuyin ang mga hotspots tulad ng ginagawa sa eleksyon, at magpatupad ng hakbang kontra sa ilegal na armas at private armed groups sa mga lugar na ito.
Nitong Lunes, inatasan ni PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr. ang lahat ng local Police commanders na tukuyin ang mga lugar na may potensyal ng karahasan at maghigpit sa mga security measures sa mga lugar na ito. | ulat ni Leo Sarne