Kaisa si dating Pangulo at ngayon ay Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal Arroyo sa pagdiriwang ng Women’s Day ngayong araw.
Hamon nito sa mga kababaihan na magsama-sama upang tuluyang buwagin ang mga maling paniniwala na inilalagay ang mga kababaihan bilang second-class individuals.
Hinimok din nito ang mga Pilipina na magkaisa sa pagsusulong ng womenβs economic empowerment lalo na sa rural at urban poor sector.
Para sa Pampanga solon, malaking papel ang ginampanan ng pagsasabatas sa Women in Development and Nation Building Act at Magna Carta for Women noong kaniyang termino, upang umangat sa ranking ang Pilipinas sa World Economic Forum Global Gender Gap mula 2008 hanggang 2009.
Dagdag pa nito na bago pa man aniya ituring na isang global issue ang women’s rights, ang mga Pilipina ay nabigyan na ng kalayaan para bumoto, makapag-aral, at magkaroon ng ari-arian. | ulat ni Kathleen Jean Forbes