Muling nagsagawa ng shoreline clean-up ang Joint Oil Spill Response Team ng Philippine Coast Guard (PCG) at ng mga boluntaryo ng Norwegian Training Center ngayong Martes sa Barangay Calima, Pola, Oriental Mindoro.
Tumulong ang nasa my 20 Norwegian Shipownersβ Association (NSA) scholars mula sa Lyceum of the Philippines University-Batangas sa naturang paglilinis.
Siniguro din ng PCG na alam ng bawat estudyante ang mga dapat at hindi dapat gawin sa pag-re-recover ng “oiled debris” sa kabila ng panganib nito sa kalusugan.
Gamit ng mga ito ang personal protective equipment (PPE) bilang proteksyon sa panganib na dulot ng oil spill.
Tinatayang nasa limang sako ng “oiled debris” ang nakolekta ng mga estudyante sa isinagawang shoreline clean-up kaugnay ng paglubog ng MT Princess Empress sa katubigan ng Naujan, Oriental Mindoro. | ulat ni Paula Antolin