Siniguro ni Secretary of Justice Jesus Crispin Remulla ngayong Lunes, na mananatiling ligtas ang seguridad ni Representative Arnulfo Teves.
Ayon kay Remulla, hindi nito pababayaan si Teves na ngayon ay nasa ibang bansa.
Samantala, aniya magsasagawa ng mga pag-uusap sa pagitan ng mga law enforcer kapag magkita ang mga ito.
Ito ay kugnay sa sinasabing pag-aalala ng mambabatas na nasasangkot sa pagpaslang kay Governor Roel Degamo sakaling bumalik ito sa bansa. | ulat ni Paula Antolin