??? ?????????? ???? ?? ??????, ????????????? ??????? ?? ?????????? ?? ??? ????? ?? ???????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iminungkahi ni Deputy Speaker Ralph Recto na humugot ng pondo mula sa halos P380-billion na tax collection ng gobyerno mula sa langis upang tugunan nag oil spill sa Mindoro.

Aniya, kahit P1-billion lang ang ibawas sa naturang tax collection ay sasapat na para simulan ang pag-tugon sa aniya’y β€˜ecological disaster’ na dulot ng tumagas na langis mula sa lumubog na MT Princess Empress.

β€œAng katas ng buwis ng langis, dapat gamitin panglinis ng tagas sa lumubog na barko. Nature, when it is under threat, as in the case of the oil spill, is entitled to tax dividends,” paliwanag ni Recto.

Katunayan, pinapatawan ng excise tax o dagdag na buwis ang oil products dahil sa dulot nitong polusyon, sakit at pagpapalala sa global warming.

β€œThe argument was that it is paid to compensate for damages to health and the environment.

That was how previous administrations framed their justification for higher oil taxes.

Batay aniya sa pag-aaral ng House of Representatives think-tank, nakakolekta ang Bureau of Customs ng P372-billion na halaga ng duties and taxes sa krudo at petroleum products (P233.5-billion) noong 2021.

Habang may karagdagang P7.4-billion na excise tax din mula sa petroleum products sa kaparehong taon. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us