????? ?? ???????????? ?? ?????? ?? ??????, ??????? ?? ?????? ?? ?????? ??????????????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Asahan na sisimulan sa ilalim ng Marcos administration ang isang cable-stayed bridge na magdurugtong sa Cavite at Bataan.

Sa press briefing sa MalacaΓ±ang, sinabi ni DPWH Secretary Manuel Bonoan na target nilang masimulan ang proyekto bago matapos ang taon.

Ang 4 lanes na tulay ay mayroong habang 32km na itatayo sa ibabaw ng Manila Bay, ay nagkakahalaga ng P175-billion, na popondohan ng official development assistance ng Asian Development Bank (ADB).

Ayon sa kalihim, malaki ang maitutulong ng tulay sa pag-unlad ng ekonomiya, hindi lamang ng Luzon, bagkus ay sa pangkalahatan.

Lalo’t inaasahang nasa higit 25% ang economic rate of return nito.

Sa oras na makumpleto ang proyekto, ang travel time mula sa limang oras ay magiging dalawang oras na lamang, simula Cavite hanggang Bataan.

Samantala, kaliwa’t kanang infrastructure projects ang itatayo ng Marcos administration ngayong 2023.

Ayon kay Secretary Bonoan, nasa 70,000 infrastructure project ito na kabibilangan ng mga major at maliliit na proyektong pang-imprastruktura sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Kabilang na ang classroom projects ng Department of Educations (DepEd), farm-to-market roads ng Department of Agriculture (DA), at mga kalsada na makatutulong sa turismo at produksyon ng bansa.

Tinatayang higit P890-billion ang budget ng tanggapan para dito.

Sinabi ng kalihim na kabilang rin sa mga proyekto na sisimulan ngayong taon ay ang iconic na tulay na magdurugtong sa Bataan at Cavite.

Ayon kay Secretary Bonoan, kabilang na sa 70, 000 proyektong ito ang mga na-selyuhang kasunduan, mula sa mga naging opisyal na biyahe ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa iba’t ibang bansa. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us