Nakatakdang pasinayaan ng Embahada ng Estados Unidos ang Airstrip Extension and Rehabilitation project sa Cesar Basa Air Base in Floridablanca, Pampanga.
Ayon kay US Ambassador MaryKay Loss Carlson, itoβy kabilang sa limang base na nakapaloob na sa US-Philippines Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).
Dagdag pa ni Carlson na layon ng naturang rehabilitation project na mas mapaganda ang naturang airbase at mas ma-utilized ang potensyal nito.
Kaugnay nito ay nakatakdang umpisahan ang pagpapasinaya sa darating na Marso 20, Lunes at nagkakahalaga ng USD24-million. | ulat ni AJ Ignacio