Sa bisa ng warrant of arrest, arestado ang Top 8 most wanted ng Quezon City Police District (QCPD) Station 7 sa San Jose Del Monte, Bulacan na nahaharap sa two counts of rape at acts of lasciviousness.
Ayon kay QCPD Station 7 Commander Police Lieutenant Colonel Joseph Almaquer, inilabas ang warrant ng akusado nitong December 21, 2022.
Aniya, sinampahan siya ng kaso matapos umano halayin ang kanyang pinsan na menor de edad.
Tumulong naman ang kapatid nitong pulis para mapayapang sumuko sa San Jose Del Monte.
Itinanggi naman ng akusado ang umano’y panghahalay at hinawakan lamang sa maselang bahagi ng katawan ang biktima. | ulat ni Bernard Jaudian Jr.