₱300-M , inilaan sa dagdag pagsasanay ng mga pulis

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakatanggap ang Philippine National Police ng 300 milyong piso mula sa pamahalaan para sa pagsasanay ng mga pulis.

Ang naturang halaga ay pinondohan ng Special Provision No. 11 ng General Appropriations Act of Fiscal Year 2023.

Ayon kay PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr. ang halagang ito ay gagamitin para mapahusay ang law enforcement capabilities ng mga pulis, partikular sa paglaganap ng cybercrime sa bansa.

Kaugnay nito, isang Memorandum of Agreement (MOA) ang nilagdaan ni Gen. Azurin at Department of Justice (DOJ) Secretary Crispin Remulla kahapon.

Nangako si Remulla na tuturuan ng DOJ ang mga pulis ng tamang pagsasagawa ng case build-up, para hindi mabasura sa korte ang mga kaso dahil sa teknikalidad.

Nagpahayag naman ng kumpiyansa si Gen. Azurin na sa pamamagitan ng pinalawak na pagsasanay ay mas mauunawaan ng mga pulis ang mga batas na dapat nilang ipinatutupad. | ulat ni Leo Sarne

?: PNP-PIO

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us