Nakatutok ngayon ang 10th Infantry Division sa pagpapatibay ng people’s organizations sa Davao Region bilang parte ng sustainment phase ng pagiging insurgency-free ng rehiyon.
Sa isinagawang press conference sa Davao De Oro Defense Press Corps, sinabi ni 10th ID Commander Maj. Gen. Jose Eriel Niembra ang pagbuo ng people’s organization ang isa sa mga hakbang para sa kanilang stability at sustainment phase para mas ma-empower ang mga komunidad na dating sakop ng New People’s Army (NPA).
Ayon kay Niembra na sa Davao de Oro pa lang ay mayroon nang 600 people’s organizations na nabuo kung saan suportado ito ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno at ng National Task Force – Ending Local Communism and Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Giit ng opisyal, tapos na ang panahon ng pakikipag-giyera ng kanilang tropa sa mga NPA kaya nakatutok na ito sa pagtulong sa nasabing mga grupo na mapaganda ang buhay ng mga miyembro nito.
Dagdag ni Niembra, dapat magpatuloy ang mga programa ng NTF-ELCAC dahil mas pinapatibay nito ang pakikipaglaban sa insurgency sa bansa. | ulat ni Armando Fenequito | RP1 Davao