Nanawagan ng imbestigasyon ang dalawang miyembro ng Bangsamoro Parliament hinggil sa pagkasunog ng M/V Lady Mary Joy 3 sa Basilan nitong nakaraang Marso 29, para alamin ang naging dahilan ng insidente na ikinasawi ng 31 ng mga indibidwal.
Sa inilabas na pahayag ni Bangsamoro Member of the Parliament Amir Mawallil, sinabi nitong nag-file sila ng resolusyon kasama si Deputy Speaker Laisa Masuhud Alamia na naglalayon na malaman kung sapat ba ang safety measures at protocols na iniimplememta sa sea travel sa buong Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Ayon kay Mawallil na layunin ng isasagawang imbestigasyon na makagawa ng batas para mas pagtibayin pa ang existing policies sa paglalayag sa BARMM.
Sinabi ng mambabatas ng BARMM na kailangan nang gumawa ng hakbang ang Bangsamoro Transition Authority para hindi na maulit pa ang sinapit na trahedya.
Dagdag ni Mawallil, sa ilalim ng Republic Act No. 11054 o Bangsamoro Organic Law, may awtoridad ang BARMM government na i-regulate ang anumang transportasyon sa kanilang rehiyon. | ulat ni Armando Fenequito | RP1 Davao