Isinailalim sa surprise drug test ang nasa 200 drivers at konduktor sa Davao City Overland Transport Terminal (DCOTT) bilang bahagi ng Oplan Harabas at paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero ngayong Holy Week.
Maliban sa drug test, ininspeksyon rin ang mga Public Utility Bus (PUB) upang masiguro na nasa mabuti ang kondisyon ng mga units maging ang mga drayber at konduktor nito na babiyahe ngayong Semana Santa.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng City Government of Davao, Land Transportation Franchising and Regulatory Board, Philippine Drug Enforcement Agency, Land Transportation Office XI at Department of Health. | ulat ni Sheila Lisondra | RP1 Davao
PDEA XI