2019 water crisis, hindi na dapat maulit ayon sa QC Solon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinaghahanda na ni Quezon City Rep. Marvin Rillo ang dalawang major water concessionaire sa bansa upang hindi na maulit ang sinapit na water crisis noong 2019.

Ayon kay Rillo, dapat maaga pa lamang ay makapaghanda na ang Maynilad at Manila Water sa worst-case scenario SA oras na tumama ang El Niño.

Paalala ng House Committee on Metro Manila Development Vice Chair na noong 2019 nang tumama ang full-blown El Niño ay bumagsak sa record low ang tubig sa Angat Dam na siyang nagsusuplay ng 90% ng tubig sa Metro Manila.

Dahilan para mawalan ng suplay hindi lang ang NCR ngunit maging ang kalapit probinsya.

Aniya, bagamat inaasahan na hindi gaanong malakas o matindi ang epekto ng El Niño ay posible pa ring magkulang ang tubig dahil lumaki na ang demand dito.

“We do not want a repeat of the 2019 water crisis, so we would urge the two water concessionaires to prepare this early for the worst, should we have a full-scale El Niño event in the months ahead. Our worry is that even if the forthcoming El Niño would be less harsh than what we experienced in 2019, Metro Manila might still be vulnerable to a severe water scarcity simply because demand (for water) has since increased,” ani Rillo.

Ayon sa PAGASA inaasahan ang pag-iral ng El Niño sa mga panahon ng Hulyo hanggang Setyembre at posibleng magtagal ng hanggang 2024. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us