Nakitaan ng kriminal at administratibong kaso ng Special Investigation Task Group 990 ang 47 pulis na isinasangkot sa pagkakaumpiska ng 990 kilos ng shabu sa Maynila noong Oktubre ng nakaraang taon.
Batay sa memorandum na pinirmahan ni Philippine National Police Director for Investigation and Detective Management Police Major General Eliseo Cruz, lumalabas na karamihan sa mga pulis na nakitaan ng pananagutan ay galing sa PDEG.
Isa aniyang pinakamataas sa opisyal na nakitaan ng pananagutan ay si dating PDEG Director PBgen Narciso Domingo.
Kaugnay nito, pinasusuko ng Special Investigation Task Force 990 ang mga armas ng 47 tauhan ng PNP.
Samantala, bukas April 16 ay nakatakdang magkaroon ng press conference ang Special Investigation Task Group 990 sa Camp Crame kaugnay sa findings ng kanilang imbestigasyon. | ulat ni AJ Ignacio