554 na gambling, smishing, phishing sites na-block ng Globe mula Enero-Marso 2023

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa mas pinaigting na kampanya ng Globe kontra sa mga ilegal na gawain gamit ang internet, na-block nito ang 554 websites na may kinalaman sa gambling, smishing at phishing sa unang tatlong buwan ng taon.

Mas mataas ng 41.3% ang bilang ng mga website na naharang ng Globe mula Enero hanggang Marso kumpara sa 392 domain na naharang sa kaparehas na panahon noong 2022. Ginagawa ito ng Globe para masigurong ligtas ang online experience ng mga subscriber.

Patuloy rin ang pagre-report ng Globe sa National Telecommunications Commission (NTC) at iba pang law enforcement agencies ng websites na may mga kahina-hinalang links para sa agarang aksyon.

Gayundin, mas pinalakas pa ng cybersecurity team ng Globe ang mga hakbang para maharang ang mga spam at online scams lalo na kung may kinalaman sa bank phishing. Mahigpit din nitong pinaaalalahanan ang publiko na mag-ingat sa mga phishing at smishing attacks.

Ang phishing ay isa sa mga karaniwang uri ng cyber attack kung saan ginagaya ng mga manloloko ang isang organisasyon o indibidwal sa pamamagitan ng makatotohanang email o text message na may mga link papunta sa mga pekeng website o pag-download ng delikadong software. Layunin nito na makuha ang mga sensitibong impormasyon ng biktima at magamit ito para makapagnakaw at iba pang mga gawain na labag sa batas.

Mula Enero hanggang Marso ng taong ito, tumaas ng 2.7% sa 4.07 milyon ang bilang ng mga SMS na na-block ng Globe na may kinalaman sa bank-related scams kumpara sa 3.97 milyon na naitala sa kaparehas na panahon noong 2022. Ito ay bunga ng matagumpay na pakikipagtulungan ng mga bangko at financial institutions sa Globe para labanan ang online fraud.

Mula Enero 2022 hanggang Enero 2023, umabot sa 85 milyon na bank-related spam at scam messages ang na-block ng Globe. Bahagi ito ng 3 bilyon na scam at spam messages na naharang ng kumpanya sa loob lamang ng isang taon.

“We do not tolerate illegal and fraudulent activities that compromise the safety and security of our customers. We remain committed to leveraging our technological capabilities to detect and prevent such activities and to continuously invest in tools and resources that enhance our ability to protect our users. Our goal is to provide a trusted and secure digital platform that our customers can rely on,” ayon kay Globe Chief Information Security Officer Anton Bonifacio.

Para maiwasan ang pagdami pa ng mga online fraud at iba pang krimen, namuhunan ang Globe ng mahigit $20 milyon para ma-detect at maharang ang mga scam at spam messages.  Mayroon din itong Stop Spam portal para mapabilis ang proseso ng pagre-report ng mga customers.

Para sa iba pang kaalaman tungkol sa Globe, bisitahin ang https://www.globe.com.ph/. | ulat ni Michael Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us