60-day extension para sa SIM Registration, sapat na — isang House leader

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pabor si Party-list Coalition President at AKO BICOL Party-list Representative Zaldy Co na palawigin ang SIM Registration deadline.

April 26 nakatakda ang pagtatapos ng pagpaparehsitro ng SIM card salig sa SIM Registration Law ngunit marami pa rin sa mga subscriber ang hindi pa tumatalima.

Para sa mambabatas, sakaling i-extend ang SIM Registration ay sasapat na ang 60 araw o dalawang buwan.

Bagamat nakasaad sa batas na maaari itong palawigin ng hanggang 120 days, ang mas mahabang extension ay maaaring aniyang magresulta sa pagiging complacent ng publiko at mas lalong hindi agad magpaparehsitro.

Bago ito ay una nang umapela si Co na dagdagan ang mga identification document na maaaring ipresinta sa SIM registration dahil isa ito sa nagpapabalam ng resigstration.  | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us