Patuloy ang pag-iikot ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Andres Centino kahapon sa iba’t ibang lugar sa Northern Luzon na pinagdarausan ng Balikatan 38-2023 Joint RP-US military exercise.
Si Gen. Centino ay sinamahan ni Philippine Air Force Chief Lieutenant General Stephen Parreño, at Northern Luzon Command (NOLCOM) Commander Lieutenant General Fernyl Buca.
Unang binisita ni Centino ang Lal-lo Airfield sa Cagayan, isa sa mga staging area ng Balikatan Field Training Exercises (FTX) sa Northern Luzon.
Binisita rin ng AFP Chief ang Marine Battalion Landing Team-10 (MBLT10) ng Philippine Marine Corps na nagsasanay kasama ang 3rd Littoral Logistics Battalion ng US Marine Corps sa Naval Base Camilo Osias, San Vicente, Sta Ana, Cagayan.
Huling binisita ni Gen. Centino ang 5th Infantry Division (5ID), Philippine Army sa Gamu, Isabela, na nagsasanay kasama ang mga tropa ng 25th Infantry Division ng US Army.
Ang tatlong pinuntahang lugar ay kabilang sa apat na bagong Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites. | ulat ni Leo Sarne
?: NOLCOM