Tinuruan ng mga eksperto ng Philippine Army ang mga sundalong Amerikano ng Pekiti-Tirsia Kali, isang Pilipinong istilo ng martial arts, at combat tracking sa pagpapatuloy ng Balikatan 38 -2023 Joint Military Exercise.
Ang pagsasanay ay ginawa sa Scout Ranger School, Camp Pablo Tecson, San Miguel, Bulacan.
Ang Pekiti-Tirsa Kali, na nag-ugat sa Visayas, ay isang “close quarter combat style” na nakatuon sa paggamit ng “edged, impact and improvised weapons.”
Sa pagsasanay sa “combat tracking” ay nahasa naman ang mga Pilipino at Amerikanong sundalo sa pag-detect at pangangalap ng impormasyon sa kalaban sa isang partikular na lugar.
Ang Balikatan 38 – 2023, ang pinakamalaking sabayang ehersisyong militar ng Armed Forcea of the Philippines (AFP) at US military sa kasaysayan, na nagsimula nitong April 11 at tatagal hanggang April 28. | ulat ni Leo Sarne
?: Philippine Army