66 nasawi sa pagkalunod at aksidente sa daan ngayong Holy Week ayon sa PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iniulat ng Philippine National Police na hindi babababa sa 66 ang nasawi sa nakalipas na Semana Santa dahil sa vehicular accident at pagkalunod.

Partikular na naitala ang mga insidente sa Region 1, 2, 3 at 4A.

Dito’y 62 ang iniulat na nasawi sa 57 “drowning incident”; habang apat naman ang iniulat na nasawi sa 11 vehicular accident.

Sa kabila nito, sinabi ni PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr. na sa pangkalahatan ay naging matiwasay ang paggunita ng Semana Santa sa buong bansa.

Muling pinaalalahan ng PNP Chief ang publiko na bantayang mabuti ang mga bata sa mga beach, at iwasan ang pag-inom ng alak kung lalangoy para maiwasan ang insidente ng pagkalunod.

Pinayuhan din ni Gen. Azurin ang mga motorista na palaging sumunod sa batas trapiko at obserbahan ang speed limit para makaiwas sa aksidente. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us