Mainit na tinanggap ng mga kinatawan ng pamahalaang panlalawigan ng Zamboanga del Norte ang pagkilala mula sa Department of Health (DOH) sa Novotel, Manila kahapon.
Ang plaque of recognition na ito ay pinirmahan ni Maria Rosario Singh-Vergeire, OIC-Department of Health at siya ring concurrent secretary ng tanggapan.
Kinikilala rito ang Zamboanga del Norte na may malaria-free status mula noong taong 2019 hanggang sa kasalukuyan.
Nakabase ito sa implementasyon at kampanya ng Provincial Health Office ng Zamboanga del Norte para makaiwas ang mga residente sa lalawigan sa sakit na malaria na galing sa lamok.
Nagpaabot naman ng papuri si Dr. Joshua Brillantes, ang Regional Director ng DOH-IX
sa walang sawang suporta at kampanya ng Zamboanga del Norte lalo na sa mga programa upang malabanan ang sakit na Malaria. | ulat ni Bless Eboyan | RP1 Zamboanga