‘Absences’ ng mga kongresista, hinirit ni Negros Oriental Rep. Arnie Teves na isapubliko

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy na kunukuwestyon ni Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. ang ipinataw na 2 month suspension sa kaniya ng Kamara.

Ani Teves, kung bibilangin ang kaniyang absences ay hindi pa ito pasok sa limitasyon ng Civil Service Commission na labinlimang araw para ikonsidera na AWOL o absence without leave.

Dagdag pa nito, kung tutuusin hindi siya dapat ikinonsiderang absent sa ilang mga araw dahil nakibahagi ito sa plenaryo via teleconferencing.

Batay kasi sa kasalukuyang House Rules maaaring makibahagi ang isang mambabatas physically o via online.

Hamon pa nito, buksan ang records ng Kamara upang malaman kung sino-sinong mga congressman ang madalas absent.

“Bakit sa dinamidami ng nag-aabsent sa Congress, ako yung penalized? Bakit si Arnie lang ang nasuspend? At kung sinuspend nila ko, ang absent ko, ang bilang dun na absences ko is wala pang 15 days… Minsan nga naiisip ko may balak lang yung iba sa distrito ko e…Sabi ko nga ilabas natin ang record ng lahat ng congressman diyan kung ilan yung absences.” ani Teves

Nang matanong naman kung i-aapela ang hinihinging extension ng leave of absence, sinabi ng kongresista na kaniyang iaapela kung ano ang tingin niya ay tama.

“I will continue to appeal for what is right” saad ng mambabatas.

Batay sa rekomendasyon ng House Committee on Ethics and Privileges na pinagtibay ng plenaryo, dalawang buwang suspensyon ang ipinataw na sanction kay Teves dahil sa disorderly behavior epektibo mula March 23 hanggang May 22, 2023. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us