Pormal na idineklara ni Armed Forces of The Philippines (AFP) Chief of Staff General Andres Centino ang pagbubukas ng Baliktan 38 – 2023 ngayong umaga sa Camp Aguinaldo.
Sa opening ceremony, nakasama ni Gen. Centino si US Embassy Manila Charge d’ Affaires, Heather Variava na panauhing pandangal; Philippine Exercise Director Major Gen. Marvin N. Licudine ng Phil. Army; at U.S. Exercise Director Representative Major General Eric Austin ng US Marine Corps.
Sa kaniyang pahayag malugod na tinanggap ni Gen. Centino ang mga tropa ng Estados Unidos at Australia na kalahok sa ehersisyo, at ang mga kinatawan ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at iba pang bansa na tatayong “observers”.
Sinabi ni Centino na ang pagdaraos ng pinakamalaking pagsasanay sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos sa kasaysayan, na lalahukan ng 17,680 sundalo, ay testamento ng matatag na alyansa ng dalawang bansa.
Sinabi naman ni Variava na ang ehersisyo ay paraan para isulong ang kapwa interes ng Pilipinas at Estados Unidos na itaguyod ang isang malaya at bukas na Indo-Pacific Region. | ulat ni Leo Sarne