Airline personnel na sangkot sa human trafficking, pinaiimbestigahan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinikayat ng pamunuan ng Bureau of Immigration (BI) ang mga opisyal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na imbestigahan ang posibleng pagkakasangkot ng ilang airline personnel sa human trafficking.

Kasunod ito nang pagkakadiskubre, na kasabwat ang ilang airline personnel sa pagproseso ng dokumento ng isang pasahero o biktima ng human trafficking at ng illegal recruitment upang makasakay sa NAIA Terminal 3 paalis ng Pilipinas.

Ginawa ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang panawagan, matapos na maharang ng mga opisyal ng immigration sa NAIA terminal 3 ang isang pasahero, na nagtangkang umalis ng Pilipinas na fake ang immigration departure stamp sa kanyang pasaporte.

Inamin aniya ng nasabing babaeng pasahero, na tinulungan siya ng isang kawani ng airline at kaklase nito sa pagpila sa immigration departure counter, matapos na ibigay ng handler nito ang passport at ang boarding pass na may pekeng BI departure stamps.

Tumanggi si Tansingco na pangalanan ang airline, at sinabi lamang na naganap ang insidente noong Abril 5, palipad ang naturang pasahero sa Kuala Lumpur patungong United Arab Emirates kung saan siya magtratrabaho bilang domestic household worker. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us