AMA founder, itinalaga ni Pangulong Marcos Jr., bilang Special Envoy for Trade and Investment sa Japan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang tinaguriang father of computer education in the Philippines na si Dr. Amable Aguiluz V, bilang Special Envoy of the President to Japan for Trade and Investment.

Si Aguiluz na siyang founder ng AMA University and Computer Colleges ay may termino bilang special envoy ng hanggang anim na buwan.

Kaugnay nito’y 18 iba pa ang itinalaga ni Pangulong Marcos sa Department of Foreign Affairs bilang class 4 Foreign Service Officers.

Bukod sa DFA ay nagtalaga din ang Pangulo ng bagong appointee sa Department of Finance gaya ni Maria Luwalhati Dorotan- Tiuseco bilang Undersecretary bukod sa isang Director IV habang itinalaga naman sa Landbank of the Philippines bilang Acting President si Ma. Lynette Ortiz.

Apat na Director IV naman ang kasama sa mga bagong appointee sa Department of Information and Communications Technology habang nagtalaga din ang Pangulo ng isang Deputy commissioner at Director IV sa Department of Justice at dalawang appointees sa DOLE at isa sa TESDA.

Nadagdagan naman ng isa pang Undersecretary ang DSWD sa katauhan ni Edward Justine Orden, isang assistant secretary sa katauhan ni Ulysses Hermogenes Aguilar at dalawang iba pa bilang Director.

Bukod dito ay nagtalaga din ng bagong appointees ang Pangulo sa GOCC. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us