Ari-arian ng Pamilya Marcos, hindi sakop ng itinutulak na panukalang palawigin ang Estate Tax Manesty — BIR

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi sakop ng panukalang pagpapalawig sa estate tax amnesty ang mga ari-arian ng pamilya Marcos.

Ito ang binigyang linaw ni Bureau of Internal Revenue Assistant Commissioner Maria Luisa Belen sa isinagawang pagtalakay ng Ways and Means Committee sa House Bill 7409 na ininahin ni House Speaker Martin Romualdez.

Salig sa panukala, palalawigin ang validity ng estate tax amnesty ng hanggang June 14, 2025 mula sa orihinal na pagtatapos nito sa June 15, 2023.

Ang tax amnesty ay nagbibigay pagkakataon sa mga indibidwal na mayroong hindi nabayarang estate tax na magbayad ng walang multa.

Sa pagdinig, natanong ni ACT Teachers party-list Rep. France Castro kung maaari rin bang i-avail ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang amnesty para bayaran ang estate tax ng kanilang pamilya.

Ngunit paliwanag ni Belen, hindi umano makikinabang dito ang pangulo o kaniyang pamilya.

Batay kasi sa Section 9 ng Tax Amnesty Act o RA 11213 hindi sakop ng amnestiya ang tax cases na naging final and executory na gayundin ang mga property na nakabinbin pa sa korte.

1999 pa naging final and executory ang estate tax ng mga Marcos. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us