Army Chief, nagpasalamat sa suporta ni Sen. Jinggoy Estrada sa mga tropa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpasalamat si Phil. Army Chief Lt. Gen. Romeo Brawner Jr. kay Sen. Jinggoy Estrada sa kanyang lubusang pagsuporta sa pangangailangan ng mga tropa.

Ito’y matapos na ilahad ng senador, na Chairperson ng Senate Committee on National Defense & Security, Peace, Unification & Reconciliation, ang kanyang mga plano sa pag-standardize at pag-upgrade ng mga benepisyo ng military personnel at dependents.

Sa kanyang pagbisita sa Phil. Army Headquarters nitong Lunes, sinabi ni Estrada na nais niyang makatulong sa Philippine Army sa pagbalangkas ng mga batas na may kinalaman sa usapin ng pambansang seguridad ng Sandatahang Lakas.

Sinabi naman ni Lt. Gen. Brawner na nakikiisa ang Phil. Army, mga inisyatiba ng senador na nagsusulong ng interes ng militar.

Dagdag ni Brawner, dahil sa suporta ng mga mambabatas tulad ni Sen. Estrada, ay mas “motivated” ang mga tropa na gampanan ang kanilang mandato na paglingkuran ang mamayan at ipagtanggol ang bayan. | ulat ni Leo Sarne

?: SSg Cesar P. Lopez, OACPA

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us