ARTA at DMW, magtutulungan para mapabili ang proseso ng OFW deployment

Facebook
Twitter
LinkedIn

Makakatuwang na rin ng Department of Migrant Workers (DMW) ang Anti-Red Tape Authority (ARTA) para mapabilis ang proseso ng OFW deployment sa bansa.

Nakipagpulong na si ARTA Sec. Ernesto V. Perez kay DMW Sec. Maria Susana V. Ople para talakayin ang mga paraan para maging mas madali at epekto ang deployment process sa Overseas Filipino Workers (OFWs).

Kabilang rito ang pagsasagawa ng business process mapping workshops at pagset-up na rin ng mga Business One-Stop Shop (BOSS) para sa filing at issuance ng mga permits at requirements ng mga nag-aapply na migrant workers.

Ayon kay Sec. Perez, sunod na itataguyod ang isang Joint Memorandum Circular (JMC) para sa pagtransition sa digitalized one-stop shops nang hindi na kailangan pang magpabalik balik sa mga ahensya ang OFWs

Ang naturang inisyatibo ay alinsunod pa rin ng direktiba ni Pangulong Marcos Jr. na hindi pahirapan sa pagproseso ng mga dokumento ang migrant workers. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us