Itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si dating Sugar Regulatory Administration
board member Pablo Azcona bilang Acting Administrador ng SRA.
Base na din ito sa listahan ng mga bagong appointee na inilabas ng Presidential Communications Office.
Bunsod nito’y si Azcona na Aang opisyal na papalit kay dating SRA Acting Administrator
David John Thaddeus Alba na una nang naghain ng kanyang resignation for health reasons.
March 24 naghain ng kanyang resignation si Alba pero pinakiusapan ito ni ES Lucas Bersamin na baka pwede ay maging effective ang kanyang pagbibitiw ng April 15 at ito’y para makahanap muna ng papalit sa kanya.
Bukod sa SRA, nagtalaga din si Pangulong Marcos Jr. ng iba pang bagong manunungkulan sa ilalim ng administrasyon sa Department of Finance, Social Security System, Department of Justice at Department of Labor and Employment.
Nagtalaga din ng mga bagong manunungkulan sa Department of National Defense, Development Bank of the Philippines at Office of the President. | ulat ni Alvin Baltazar