Bagong exploratory talks ng Pilipinas at China, dapat ibatay sa arbitral at Supreme Court ruling — Sen. Tolentino

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinikayat ni Senador Francis Tolentino ang Department of Foreign Affairs (DFA) na pag-aralang mabuti ang plano ng pamahalaan, na magkaroon muli ng exploratory talks sa gobyerno ng China.

Ayon kay Tolentino, dapat isaalang-alang ng DFA ang 2016 Hague Arbitral ruling at ang desisyon kamakailan ng Korte Suprema, na nagdedekalrang unconstitutional sa 2005 Tripartite Agreement for Joint Marine Seismic Undertaking (JMSU) bago pumasok sa isa na namang partnership sa China.

Binigyang diiin ng senador, na ang anumang bagong kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at China para sa planong galugarin ang mineral seabed resources sa ating karagatan ay dapat na sumunod sa nakasaad sa ating Konstitusyon.

Aminado rin si Tolentino, na mayroon siyang agam-agam sa pagkakaroon natin ng panibagong round ng pakikipag-usap sa China…

Ito ay kasunod na rin aniya ng mga insidente ng pambu-bully ng Chinese Coast Guard at mga maritime militia sa ating Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Coast Guard (PCG), at mga mangingisda sa West Philippine Sea.

Dapat rin aniyang maging bahagi ang Senado sa anumang exploratory talks kasama ang China, bilang ang usapin ay may kinalaman sa foreign policy at national security ng Pilipinas. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us