Bakuna Center ng Philippine Red Cross, pansamantalang isasara ngayong Semana Santa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagbigay-abiso ngayon ang pamunuan ng Philippine Red Cross (PRC) sa mga naka-iskedyul na magpabakuna sa kanila kontra COVID-19.

Ayon sa PRC, pansamantalang isasara ang kanilang Bakuna Center mula Abril 6, Huwebes Santo hanggang sa Lunes, Abril 10 bilang paggunita ng Semana Santa.

Extended ito hanggang sa Lunes dahil sa deklarado itong holiday salig sa idineklarang Holiday Economics ng Malacañang bunsod ng paggunita sa Araw ng Kagitingan, Abril 9 na natapat sa araw ng Linggo.

Dahil dito, hinikayat ng PRC ang publiko na nagnanais magpabakuna na planuhin ang kanilang iskedyul upang maiwasan ang anumang abala. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us