Bakunahan ng COVID-19 2nd booster shot, isasagawa sa Makati ngayong araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iniimbitihan ng Makati LGU ang mga 18-years old pataas o general population na magpabakuna ng COVID-19 2nd booster shot.

Open ang bakuna sa lahat kahit hindi residente ng Makati City basta magdala lang ng ID at vaccine card.

Ngayong araw dalawang lokasyon ang pagdarausan nito kabilang na sa Health Center ng Barangay Cembo at 3rd Floor Ayala Mall Circuit.

Ito ay magtutuloy-tuloy Lunes hanggang Biyernes, mula 8am to 4pm sa Cembo at 10am to 6pm sa Ayala Mall Circuit.

Samantala, hinimok naman ng nakapanayam ng Radyo Pilipinas ang kapwa Pilipino na magpabakuna na dahil ito ay para na rin sa kanilang sariling kapakanan. | ulat ni Don King Zarate

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us