Balikatan Exercise sa Palawan, matagumpay na naisagawa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sabay-sabay babalik ang BRP Jose Rizal (FF150), BRP Tarlac (LD601), at USS Makin Island (LHD8) sa Subic, Zambales matapos ang matagumpay na pagsasagawa ng ehersisyo sa Palawan, bilang bahagi ng Balikatan 38-2023.

Ito’y matapos makumpleto ng tatlong barkong pandigma ang Amphibious Raid Exercise sa Samariñana noong Biyernes.

Bukod dito nagsagawa din ang BRP Jose Rizal at USS Makin Island ng Aerial Gunnery Exercise, kung saan kailangang i-detect at i-engage ang isang simulated aerial target.

Habang ang tatlong barko ay nagsagawa din ng replenishment at sea exercise, kung saan tampok ang pag-refuel habang lumalayag.

Sa April 26, isasagawa ang tampok na aktibidad ng Balikatan 38-2023, ang Joint Littoral Live-Fire Exercise na isasagawa sa karagatan ng San Antonio, Zambales.

Dito’y palulubugin ang isang lumang barko ng Philippine Navy, ang BRP Pangasinan (PS-31), na gagawing target ng lahat ng uri ng armamento ng AFP at US military. | ulat ni Leo Sarne

?: BRP Jose Rizal (FF150)

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us