Nagkaroon ng pakikipag-diyalogo ang bansang Brunei sa ating bansa para pag-usapan ang pagpapalakas ng maritime digitalization at air conectivity cooperations ng dalawang bansa.
Ayon kay Philippine Ambassador to Brunei Marian Jocelyn Ignacio, na layon ng naturang dialogue mas mapalakas pa ang pakikipag-ugnayan ng Pilipinas at ng Brunei para sa pagkakaroon ng mas maraming bilateral cooperations ng dalawang bansa.
Ayon naman kay Brunei Minister for Transportation and Infocommunication Dato Seri Setia Shamhary na makakaasa ang Pilipinas sa pagsuporta nito sa socio-economic activities ng ating bansa kabilang ang nasabing mga bilateral cooperations sa sektor ng maritime digitalization at air connectivity ng dalawang bansa.
Kabilang sa proyekto na pinaplano ng dalawang bansa ay ang pagkakaroon ng submarine connection cable mula Brunei patungong Bangsamoro Autonomous Region and Muslim Mindanao para sa pagkakaroon ng digital connectivity sa ilalim ng Broadband Uplift Program ng dalawang bansa. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio