BFP at SM Prime Holdings Inc., magtutulungan para palakasin ang Fire Safety and Prevention

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling nagkasundo ang Bureau of Fire Protection (BFP) at SM Prime Holdings Inc. na palakasin ang kanilang pagtutulungan para sa fire safety at prevention.

Isang Memorandum of Agreement ang nilagdaan ng BFP at SM Prime Holdings Inc. ukol dito, na ginanap sa BFP National Headquarters.

Ayon sa BFP, isa umano itong makabuluhang hakbang patungo sa pagpapahusay ng mga kakayahan sa emergency response, at pagpapabuti ng kamalayan ng publiko sa fire safety measures sa mga establisyimento ng SM Prime Holdings Inc..

Nagpasalamat naman ang SM Holdings sa kanilang pakikipagtulungan sa BFP, na palaging nangunguna sa pagtiyak ng kaligtasan at seguridad ng mamamayang Pilipino.

Sa panibagong partnership, nananatiling matatag raw ito sa kanilang misyon na mapangalagaan ang kanilang mga customer, empleyado, at komunidad na kanilang pinaglilingkuran.

Kasama ang BFP, nangako sila sa pagtataguyod ng pinakamataas na pamantayan ng fire safety at prevention. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us