BI, nagbabala sa publiko vs. panibagong modus ng human trafficking

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinag-iingat ng Bureau of Immigration ang publiko laban sa panibagong human trafficking modus.

Sa nasabing modus, uutusan ang mga biktima na magpanggap bilang mga Muslim para makaalis ng bansa.

Ito ay matapos mahuli ng travel control at enforcement unit ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang babae na pupunta sa Dubai, isang 36 at 37 taong gulang, sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 noong Abril 14.

Inamin ng mga ito na gawa-gawa lamang ang kanilang mga dokumento, at na-recruit sila sa pamamagitan ng Facebook ng isang babae na nagproseso ng kanilang mga visa at ticket para makapagtrabaho bilang household worker. | ulat ni Don King Zarate

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us