Bilang ng airline passengers na naserbisyuhan ng NAIA, umabot na sa mahigit 10-M sa unang quarter ng 2023 ayon sa MIAA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tumaas ang bilang ng airline passengers na naserbisyuhan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminals ngayong unang quarter ng 2023.

Ito’y matapos maitala ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang nasa mahigit 10.8-M airline passengers sa unang tatlong buwan ng taon na mas mataas ng 158% noong 2022 na umabot lamang sa mahigit 4.2-M sa kaparehong quarter ng nakaraang taon.

Ayon kay MIAA General Manager Cesar Choing, ito’y dahil sa muling pagbubukas ng at panunumbalik ng turismo sa Pilipinas buhat ng unti-unting pagluwag ng restrictions sa bansa dulot ng COVID-19.

Kaugnay nito, tumaas din ang international flight movement ng Pilipinas na umabot sa mahigit 67,700 flights na mas mataas ng 77% kumpara noong 2022 na umabot lamang sa mahigit 38,200 flights.

Dagdag pa ni Choing na ito’y isang magandang indikasyon ng panunumbalik ng masiglang ekonomiya at maging ang pagpasok ng foreign tourists sa bansa. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us